ngiti


ngi·tî

png
1:
anyo ng mukha na may kalakip na pagningning ng mga matá, tahimik na pag-angat ng magkabilâng sulok ng bibig, hindi gaanong guma-gamit ng mga másel gaya sa tawa, nagpapahiwatig ng kasiyahan, lugod, paggiliw, pagsang-ayon, tinitimping aliw, parikala, o pag-uyam : GÚMUN2, HÚYOM, ÍMIS, ÍSEM, NGÍSLAD, PAHÍYOM, SMILE, SONRÍSA, TÍMAN, YUHÚM
2:
maali-walas, kasiya-siya, mapag-engganyong anyo o hulagway hal “ngiti ng araw,” “ngiti ng bulaklak” : GÚMUN2, HÚYOM, ÍMIS, ÍSEM, NGÍSLAD, PAHÍYOM, SMILE, SONRÍSA, TÍMAN, YUHÚM — pnd mag·ngi·tí·an, ngit·ti·án, ngu·mi·tî.