niya
ni·yá
pnr |[ ST ]
:
punông-punô ; narating ang kailangang taas o laki.
ni·yá
pnh |[ Bik Tag ]
:
panghalip panaong isahan, ikatlong panauhan, nása kaukulang paari, at kumakatawan sa ngalan ng pinag-uusapan na siyang nagmamay-ari o kinauukulan ng bagay, gawain, o pangyayaring binabanggit, hal bahay niya, bibilhin niya.
ni·yán
pnh |[ Kap Tag ]
ní·yan
png |[ ST ]
:
ungol ng mga hayop.
ni·ya·ón
pnr
:
tumutukoy sa mga bagay na malayò at hindi makikíta ng nagsasalita at kausap nitó, kontraksiyon ng ng +yaon.