out
out (awt)
pnr pnb |[ Ing ]
1:
palayô o wala sa karaniwang pook, posisyon, kalagayan, at iba pa
2:
sa labas o nása labas
3:
wala nang pag-iral
4:
wala sa kasalukuyang gamit ; wala sa uso
5:
wala sa kasalukuyan o personal na pag-aari
6:
7:
mula sa isang bílang, kalakal, o tinda
8:
malakas, tulad ng pagtawag nang malakas.
out (awt)
pnr |[ Ing ]
1:
wala sa normal na saklaw, hugis, bigat, at iba pa
2:
hindi ginagamit o hindi gumagána, tulad ng sirâng ilaw
3:
wala sa posisyon, tungkulin, trabaho, at katulad
4:
hindi na epektibo sa isang operasyon, laro, at iba pang katulad.
outage (áw·teydz)
png |[ Ing ]
1:
paghinto sa funsiyon ng isang mákiná o mekanismo sanhi ng pagpalya ng suplay ng koryente
2:
panahon ng nasabing paghinto ng funsiyon
3:
kantidad ng mga bagay na nawala o kakulangan ng mga kargo mula sa barko.
outbreak (áwt·breyk)
png |[ Ing ]
:
biglaang pagsiklab ng digmaan o pagkalat ng sakít.
outburst (áwt·berst)
png |[ Ing ]
:
bigla o marahas na pagbuhos ng emosyon, tulad ng malakas na pag-iyak Cf SILAKBÓ
outcast (áwt·kast)
png |[ Ing ]
1:
tao na itinaboy mula sa sariling tahanan o lipunan
2:
tao na walang tiráhan at pagalà-galà.
outdoor (áwt·dor)
png pnr |[ Ing ]
:
nangyayari o ginagamit sa labas ng bahay o gusali.
outdoors (áwt·dors)
pnb |[ Ing ]
:
sa labas.
outer (áw·ter)
pnr |[ Ing ]
1:
sa labas ; panlabas na bahagi
2:
malayò sa sentro o loob.
outermost (áw·ter·mówst)
pnr |[ Ing ]
:
malayò sa loob ; pinakamalayòng bahagi mula sa loob.
outfit (áwt·fit)
png |[ Ing ]
1:
koleksiyon ng kasuotan, lalo na ang para sa isang tiyak na layunin
2:
kompletong kasuotan, karaniwang binubuo ng sapatos, damit, sombrero, at iba pa.
outflow (áwt·flow)
png |[ Ing ]
1:
palabas na daloy
2:
anumang palabas ang daloy
3:
halaga na lumalabas.
outgoing (awt·gó·wing)
png |[ Ing ]
:
kilos o halimbawa ng palabas na daloy.
outgoing (awt·gó·wing)
pnr |[ Ing ]
1:
mahilig lumabas ng bahay at makipagkaibigan
2:
malapit nang magretiro
3:
lumalabas o lumalayô.
outgrowth (áwt·growt)
png |[ Ing ]
1:
anumang pagtubò
2:
natural na proseso ng paglakí
3:
ang produkto nitó
4:
dagdag na resulta.
outing (áw·ting)
png |[ Ing ]
1:
maikling panahon ng pagsasayá na may kasámang paglalakbay, karaniwang isang araw o bahagi ng isang araw
2:
anumang maikling paglalakbay.
outlander (awt·lán·der)
png |[ Ing ]
:
dáyo1 o dayúhan.
outlaw (áwt·lo)
png |[ Ing ]
1:
tao, pangkat, o bagay na hindi kabílang, o pinagkaitan ng mga benepisyo at proteksiyon ng batas
2:
tao na paulit-ulit na lumabag sa batas.
outlay (áwt·ley)
png |[ Ing ]
1:
gastá1 o paggasta
2:
halagang ginasta.
outlet (áwt·let)
png |[ Ing ]
1:
paraan ng pagpapahayag o pagpapahiwatig ng damdamin, emosyon, at katulad
2:
ahensiya, distributor, o tindahan ng mga kalakal
3:
bútas o daanan na nilalabasan ng isang bagay
4:
Ele
bahagi na pinagkukuhanan ng suplay ng koryente, karaniwan ng mga kasangkapang de-koryente.
outline (áwt·layn)
png |[ Ing ]
1:
2:
pangunahin o tampok na nilalamán ng isang aklat, paksa, proyekto, at iba pa : BANGHÁY1-2
outlook (áwt·luk)
png |[ Ing ]
1:
2:
pagtingin sa labas o pook na tinitingnan ng isang nagmamasid.
outnumber (awt·nám·ber)
pnd |[ Ing ]
:
higitán sa bílang.
out-patient (awt-péy·syent)
png |[ Ing ]
:
pasyente na hindi nakatirá sa ospital.
outpost (áwt·post)
png |Mil |[ Ing ]
1:
estasyong itinayô na malayò sa pangunahing yunit ng hukbo upang protektahan o iwasan ang biglang salakay ng mga kaaway
2:
pangkat ng mga tao na nakadestino sa nasabing estasyon.
output (áwt·put)
png |[ Ing ]
1:
resulta o produkto ng isang proseso, lalo na sa produksiyon at sa mental o malikhaing paggawâ
2:
kantidad o halagang nalikha mula dito
3:
Com
limbag o anumang resultang dulot ng computer ; o ang proseso ng paglipat ng datos mula sa loob patúngo sa labas ng sistema ng isang aparato o kasangkapan
4:
koryente o lakas na nalilikha ng isang mákiná o kasangkapang elektroniko.
outrage (awt·réydz)
png |[ Ing ]
1:
matinding gálit o samâ-ng-loob
2:
matinding paglapastangan ng karapatan ng tao o ng batas
3:
anumang sanhi ng ganitong damdamin.
outré (ú·trey)
pnr |[ Fre ]
:
lumalabis sa normal, karaniwan, o nárarápat.
outreach (áwt·rits)
png |[ Ing ]
:
anumang pakikibahagi o pakikiugnay ng isang organisasyon sa isang komunidad.
outreach (áwt·rits)
pnd |[ Ing ]
:
lumampas ; humigit.
outrigger (awt·rí·ger)
png |[ Ing ]
1:
Ntk
katig ng bangka
2:
anumang katulad na balangkas sa isang gusali.
outside (áwt·sayd)
pnr pnb |[ Ing ]
1:
nása labas
2:
hindi nabibílang o hindi kaugnay sa isang partikular na institusyon, lipunan, at katulad
3:
Isp sa laro, lampas sa saklaw na pook ng mga manlalaro, hal sa volleyball.
outskirts (awt·is·kérts)
png |[ Ing ]
:
ang labas ng hanggahan ng bayan, distrito, paksa, at iba pa.
outspoken (awt·is·pów·ken)
pnr |[ Ing ]
1:
tahas sa pagpapahayag ng opinyon
2:
walang alinlangan o malaya sa pagsasalita.
outward (áwt·ward)
pnr pnb |[ Ing ]
1:
patúngo sa labas
2:
tumutukoy sa panlabas na rabaw, anyo, at iba pa.
outwit (awt·wít)
pnd |[ Ing ]
1:
talúhin sa pagkamalikhain o talino
2:
higitán ng kaalaman o karunungan.