pail
pá·il
png |[ ST ]
:
panlilimahid sa dumi ng damit, katawan, at iba pa.
pa·i·lak·bóng
png |[ ST ]
1:
paghahagis paitaas ng isang bagay, katulad ng bato o pagtudla ng palaso : PAILAKBÓ,
PAILANLANG
2:
pagiging hambog sa pagsasalita na tila naghahagis ng mga salita sa hangin : PAILAKBÓ
pa·i·lá·lim
pnd |[ pa+ilalim ]
1:
pumunta sa ilalim
2:
ipahintulot na pamunta ang sarili sa ilalim ng kontrol o pagsakop ng isang tao.
pa·i·lam·bó
pnd |mag·pa·i·lam·bó, pa·i·lam·bu·hín |[ ST ]
:
ipatangay sa hangin o tangayin ng hangin ang papel at katulad.
pa·i·lan·dáng
png |[ ST ]
:
pagsasaboy ng tubig sa isang bahagi.