parap
pa·ra·per·nál·ya
png |[ Ing parapher-nalia ]
1:
mga kagamitang pansarili
2:
mga kasangkapan, tulad ng mga bagay na ginagamit sa kampo.
parapet (pá·ra·pít, pa·ra·pét)
png |Ark |[ Ing ]
:
mababàng dingding sa paligid ng bubong, balkonahe, o katulad na estruktura.
paraphrase (pá·ra·fréys)
png |[ Ing ]
:
muling pagsasabi o pagsusulat ng isang pahayag o akda sa pamamagi-tan ng paggamit ng ibang salita.
paraplegic (pa·ra·plí·dyik)
pnr |Med |[ Ing ]
:
hinggil sa sinumang may para-plehiya.
pa·ra·plé·hi·yá
png |Med |[ Esp para-plejia ]
:
paralisis sa ibabâng bahagi ng katawan mulang baywang paba-bâ : PARAPLEGIA
parapsychology (pá·ra·say·kó·lo·dyí)
png |Sik |[ Ing ]
:
pag-aaral sa mental na kalagayan o penomeno na labas sa sakop ng ordinaryong sikolohiya.