pilo
pi·lo·lo·hí·ya
png |[ Esp filologia ]
1:
ang agham ng wika, lalo na sa aspektong pangkasaysayan at paghahambing ng mga wika ; lingguwistika : PHILOLO-GY
2:
hilig sa pag-aaral at literatura : PHILOLOGY
pi·lón
png |[ Esp ]
1:
mataas na tore o poste para sa mga kable ng koryente : PYLON
2:
tore na gumagabay sa mga abyador, lalo na sa karera : PYLON
3:
malaking tarangkahan o pintuan, lalo na ang nása bungad ng templo sa sinaunang Egypt : PYLON
pi·lo·so·pás·tro
png |[ Esp filosofastro ]
:
tao na nagdudunong-dunungan o nagpapanggap na pilosopo.
pi·lo·so·pí·ya
png |[ Esp filosofia ]
1:
ang makatwirang imbestigasyon ng mga katotohanan at prinsipyo ng tao, kaalaman, o gawi : PHILOSOPHY
2:
ang kritikal na pag-aaral ng mga pangu-nahing prinsipyo at konsepto ng partikular na sangay ng kaalaman, lalo ang pananaw sa pagpapaganda at pagsasaayos nitó : PHILOSOPHY
Pi·ló·so·pó Tas·yò
png |Lit
:
tauhan sa Noli Me Tangere, maalam na matan-dang tagapayo ng marurunong ng San Diego.
pi·lót
png
:
ang kapal o ang patong ng lubid.
pi·lo·tá·he
png |[ Esp filotaje ]
:
mahabà at mabigat na poste na ibinabaón sa lupa.
pi·ló·te
png |[ Esp filote ]
:
paraan ng pag-ugit sa isang barko.