as
á·sa
png
1:
pakiramdam na posible ang ninanais o magiging maayos ang lahat
2:
a·sá·do
png |[ Esp ]
:
putaheng karne na ibinabad sa toyo, sibuyas, kamatis, lawrel, at inihaw sa bága o hinurno var asáda — pnr a·sá·do. — pnd a·sa·dú·hin,
i·a·sá·do,
mag-a·sá·do
a·sa·dór
png |[ Esp ]
:
pang-ihaw o panletson.
a·sa·hár
png |[ Esp azahar ]
1:
Bot
bulaklak ng kahél
2:
artipisyal na bulaklak ng kahél, karaniwang inilalagay sa ulo ng babaeng ikakasal o ng flower girl, sa ibabaw ng bélo.
a·sa·lé·a
png |Bot |[ Esp azalea ]
:
halámang ornamental (genus Rhododendron ) na mabango at sari-sari ang kulay ng bulaklak.
a·sám·ble·á
png |[ Esp ]
:
kapulungán na karaniwang para sa layuning panrelihiyon, pampolitika, pang- edukasyon, at katulad : PULÓK3
a·sam·ble·ís·ta
png |[ Esp ]
:
delegado sa isang asamblea.
a·sán·ya
png |[ Esp hazaña ]
:
gawâng katangi-tangì.
ASAP (á·sap)
png |[ Ing “as soon as possible” ]
:
sa pinakamabilis na panahon o paraan.
á·sap
png
1:
iritasyon sa matá sanhi ng usok o mabahòng singáw
2:
ang usok na nagpapaluha.
a·sa·pé·ti·dá
png |Bot Kem |[ Esp asafétida ]
a·sa·prán
png |[ Esp azafrán ]
1:
haláman na crocus (Crocus sativus ) na may mga bulaklak na kulay lila : SAFFRON
2:
a·sár
png |Kol |[ Esp ]
:
tao na nakararamdam ng yamot o pagkayamot.
á·sar
png |[ ST ]
1:
maliliit na tabla na inilagay sa bangka para paglagyan ng karga
2:
pampakulay ng alak.
a·sar·kón
pnr |[ Esp azarcón ]
:
kulay dalandan.
a·sa·ról
png |[ Esp asadón ]
ás-as
png |[ Ilk ]
1:
tuyông dahon ng tubó o mais
2:
pagbayó ng palay sa ikaapat na beses
3:
búli1 o pagbú-li.
a·sá·wa
png |[ Ilk Kap Tag War ]
as·bés·tos
png |Kem |[ Ing ]
:
hindi nasusunog na mineral, mahimaymay, nakalalason, at nagtataglay ng silicon, oxygen, at iba pang metal.
as·bes·tó·sis
png |Med |[ Ing ]
:
sakít sa bagà sanhi ng paglanghap ng maliliit na himaymay ng asbestos.
as·bók
png
:
sigalbó ng alikabok, singaw, usok, o katulad.
ASCII (ás·ki)
daglat |Com |[ Ing ]
:
American Standard Code for Information and Interchange.
ascorbic acid (as·kór·bik· á·sid)
png |BioK |[ Ing ]
:
bitaminang matatagpuan sa mga bungangkahoy na sitrus at berdeng gulay, mahalaga upang maiwasan ang scurvy : BITAMÍNA C
as·dáng
png
:
sa sinaunang lipunang Bisaya, labanáng máno-máno.
ASEAN (a·sé·yan)
daglat
:
Association of Southeast Asian Nations.
a·sé·bo
png |Bot |[ Esp acebo ]
:
anuman sa mga punò o palumpong (genus Ilex ) na may makintab at matinik na dahon, maliit at putîng bulaklak, at puláng berry : ILEX
a·se·dé·ra
png |Bot |[ Esp acedera ]
:
isang uri ng halaman (Rumex acetosa ) na ginagamit bilang pampalasa dahil sa maasim na lasa nitó : SORREL
a·se·gu·rá·ble
pnr |[ Esp ]
:
maaaring tiyakin o isegúro.
a·se·gu·rá·do
pnr |[ Esp ]
:
tiniyak ; nakaseguro.
a·se·gu·ra·dór
png |[ Esp ]
:
ahente ng seguro.
a·se·gu·ram·yén·to
png |[ Esp aseguramiento ]
:
pangangalagà o garantiya sa seguridad.
a·sek·su·wál
pnr |Bio |[ Esp ]
1:
walang sex o organong seksuwal : ASEXUAL
2:
sa reproduksiyon, walang pagsasanib ng sperm at ovum : ASEXUAL
3:
walang seksuwalidad : ASEXUAL
a·sen·dé·ro
png |[ Esp hacendero ]
:
may-ari ng asyenda o malaking pataniman.
A·sen·si·yón
png |[ Esp ascensión ]
1:
pag-akyat ni Cristo sa langit : ASCENSION DAY
2:
apatnapung araw pagkaraan ng Pasko ng Pagkabúhay : ASCENSION DAY
a·sen·tu·wá·do
pnr |Gra |[ Esp acentuado ]
:
may asénto ; may tuldík.
a·sép·si·yá
png |Med |[ Esp asepcia ]
:
kawalan ng mga mapaniràng bakterya, virus, o iba pang maliliit na organismo : ASÉPSIS
a·sep·tá·ble
pnr |[ Esp aceptable ]
:
natatanggap ; maaaring tanggapin.
a·sep·tas·yón
png |[ Esp aceptación ]
:
tanggáp o pagtanggáp.
a·sép·ti·kó
pnr |Med |[ Esp acéptico ]
:
ligtas sa mga mapaniràng bakterya, virus, o iba pang maliliit na organismo.
a·se·si·ná·to
png |[ Esp ]
:
pagpaslang sa isang bantog na tao, lalo na sa mataas na pinunò ng pamahalaan : ASSASSINATION
a·sé·ta
png |[ Esp asceta ]
:
tao na asétiko.
a·sé·ti·kó
pnr |[ Esp ascetico ]
1:
2:
tulad ng sukà o acetic acid.
a·se·ti·sís·mo
png |[ Esp asceticismo ]
:
pamumuhay na asetiko.
a·sé·tre
png |[ Esp acetre ]
:
maliit na sisidlang yarì sa pilak o metal, sisidlan ng benditadong tubig.
as·gá
png |[ ST ]
:
súnog sa gubat, lalo na ang natatanaw mula sa kabayanan ; súnog sa bundok.