pipit-puso
pi·pít-pu·sò
png |Zoo
1:
ibong kauri ng pipit2 (Nectarinia jugularis ) na may kulay olibang balahibo sa itaas na bahagi ng katawan at kulay dilaw sa iba pang bahagi ng katawan, karaniwang makikíta sa niyugan, bakawan, at halamanan : PIPÍT-PÁRANG,
TAMSÍ
2:
pinakamaliit na pipit2 sa Filipinas (Aethopyga shelleyi ), maikli ang nakakurbang tukâ, dilawan ang katawan, ngunit may mga bahaging pulá o bughaw.