tamsi
tam·sî
png |[ Chi ]
:
panlansi na inilalagay sa tagâ var tansê
tám·si
png |Zoo |[ Hil War ]
:
maliit na ibon (class Aves ) na magkahalòng dilaw at abo ang kulay ng katawan.
Tám·si
png |Lgw
:
isa sa mga wika ng mga Ilongot.
tam·sík
png |[ ST ]
:
tunog na nalilikha sa paglalaro ng dila at labì.
tam·síng
png |[ Tau ]
:
larong pambatà ng mga Tausug, binubútas ang mga matá ng bao ng niyog, tinutusukan ng patpat, at patagalan ng pagpapaikot sa bao.
tam·sí·ya
png |Zoo
:
ibong kauri ng malkoha (Phaenicophaeus superciliosus ) bagaman itim na itim ang balahibo sa katawan at may puláng tíla kaliskis na balahibo sa ulo : RED-CRESTED MALKÓHA