plaka


plá·ka

png |[ Esp placa ]
1:
disk na manipis, gawâ sa plastik, at may gilit-gilit na bilóg sa magkabilâng rabaw na pinagkintalan ng tunog na maaa-ring patugtugin sa pamamagitan ng ponograpo : RÉKORD3
2:
sa pagkuha ng larawan, x-ray, o karaniwang kamera, ang itim at nanganganinag na kinakikintalan ng larawan
3:
ang ikinakabit sa mga sasakyan na kinatatalaan ng bílang o numero : PLATE6

plá·kard

png |[ Ing placard ]
:
inilimbag o isinulat na pahayag, maaaring nakapaskil o ipinakikita sa publiko ng isa o mahigit pang katao : LETRERO, PLACARD