rekord
ré·kord
png |[ Ing record ]
1:
piraso ng katunayan o impormasyon na binubuo ng opisyal na pagsasalaysay ng isang pangyayari, sinabi, at katulad ; o ang dokumento na nagtatalâ nitó
2:
pagpreserba sa pamamagitan ng pagsulat o ibang permanenteng pamamaraan
3:
4:
Bat
opisyal na ulat ng mga pangyayari o hatol ng hukuman ; o kopya ng mga nakasulat na reklamo ng naghahabla at ang katwiran o tu-gon ng inihahabla sa isang kasong hahatulan ng hukuman
5:
kabuuan ng mga katunayan hinggil sa nakaraan ng isang tao
6:
pinakanatatanging pagtatanghal o kahanga-hangang pangyayari sa isang larangan
re·kór·der
png |[ Ing recorder ]
1:
tao na pagtatalâ ang gawain ; tagapagtalâ
2:
elektronikong kasangkapan na ginagamit sa rekording, hal teyp rekorder
3:
Mus
instrumentong hinihipan at kahawig ng plawta ngunit hinihipan sa dulo at may higit na hungkag na tunog.
re·kór·ding
png |[ Ing recording ]
1:
kilos o gawi ng isang nagrerekord
2:
anumang inirekord, gaya ng akdang pangmusika
3:
anumang ginagamit sa paggawâ ng rekord
4:
proseso na pagrerekord ng mga senyas na audio at video upang kopyahin nang maramihan sa hinaharap.