ros


ros

png |Zoo |[ Bik ]

ró·sa-a·ma·ríl·ya

png |Bot |[ Esp rosa amarilla ]
:
cultivar (Cochlospermum vitifolium ) na may matingkad na dilaw, makapunông bulaklak.

ro·sál

png |Bot |[ Esp ]
:
palumpong (Gardenia jasminoides ), 3 m ang taas, may dahong makintab at matingkad na lungtian, at may malakíng bulaklak na maputî at mabango, katutubo sa China at Japan at maaaring ipinasok sa Filipinas bago dumating ang mga Español : GARDÉNYA

rosaniline (ro·zá·ni·lín)

png |Kem |[ Ing ]
1:
puláng tina (C20H20N3Cl) na mula sa aniline
2:
organikong base na mula sa aniline ; o ang puláng tina na mula rito.

rosary (rów·sa·rí)

png |[ Ing ]

ro·sár·yo

png |[ Esp rosario ]
1:
sa Simbahang Katolika, anyo ng debosyon na inuulit ang lima o labinlimang “Aba Ginoong Maria ” na ang bawat yugto ay pinasisimulan ng “Ama Namin ” at sinusundan ng “Luwalhati sa Ama ”
2:
katulad na kuwintas na may mga butil na ginagamit na pambílang sa mga dasal 4
3:
hardin ng rosas o rosebed : ROSARY

ró·sas

png |[ Esp rósa+s ]
1:
Bot palumpong (genus Rosa, family Rosaceae ) na matinik at karaniwang may mabangong bulaklak, karaniwang pulá, dilaw, pink, at katulad, malaganap sa America, Africa, at Asia, at may mga banyagang hybrid na inaalagaan sa Filipinas maliban sa katutubòng Rosa philippinensis : ROSE
2:
Bot bulaklak nitó : ROSE
3:
Bot namumulaklak na haláman na kahawig nitó : ROSE
4:
palamuting may hugis na katulad o nagpapahiwatig ng ganitong bulaklak : ROSE
5:
katangi-tanging tao o bagay, lalo na ang isang magandang babae : ROSE

ró·sas

pnr |[ Esp rósa+s ]
1:
mapusyaw na kulay pulá ; o kutis na mamula-mula : ÉNGKARNÁDA2, ROSE
2:
kulay pink : ÉNGKARNÁDA2, ROSE

ró·sas-ha·pón

png |Bot |[ Esp rosas Japon ]

rose (rows)

png pnr |[ Ing ]

ro·sé

png |[ Fre ]
:
alak na hindi gaanong nakalalasing, may mamula-mulang kulay na dulot ng pagkatanggal ng balát ng ubas bago matapos ang permentasyon : VIN ROSE

rosella (ro·sé·la)

png |Zoo |[ Ing ]
:
uri ng párakít (genus Platycercus ) na malakí at matatagpuan sa Australia at New Zealand.

rosemary (róws·ma·rí)

png |Bot |[ Ing ]
1:
palumpong (Rosmarinus officinalis ) na laging-lungti, mabango, may makitid na dahon, at ginagamit na pampalasa o sa paggawâ ng gamot at pabango : ROMERO
2:
tradisyonal na sagisag ng pagkaalaala.

rose moss (rows mos)

png |Bot |[ Ing ]
:
vietnam rose.

roseola (ro·zé·yo·lá)

png |Med |[ Ing ]
:
mamula-mulang pantal na dulot ng tigdas, típus, sípilís, at katulad na sakít.

ro·sé·ta

png |[ Esp ]
1:
anumang kaayusan, bahagi, bagay o pormasyon na kahawig ng rosas : ROSETTE
2:
hugis rosas na ayos ng laso o katulad na materyales, karaniwang ginagamit na palamuti o badge : ROSETTE
3:
Ark inukit o hinubog na palamuti na kahawig ng rosas : ROSETTE
4:
Bot hugis bulaklak ng rosas na ayos o tubò ng mga dahon : ROSETTE
5:
sapád na ulo ng tornilyo o pakò : ROSETTE
6:
Bot sakít ng haláman na nagdudulot ng pagsisiksikan ng mga dahon sa pabilog na pumpon dahil sa pag-ikli ng mga bahaging nása pagitan ng mga sanga, dulot karaniwan ng funggus, virus, o kakulangan sa sustansiya : ROSETTE
7:
Zoo isa sa mga batík ng leopardo : ROSETTE

rosette (ro·sét)

pnr |[ Ing Fre ]

rosin (ró·sin)

png |Kem |[ Ing ]
:
manilaw-nilaw, matigas, malutong, at buhaghag na resin na natitirá pagkaraan ng distilasyon ng agwaras na mula sa punò ng pino, karaniwang ginagamit na panghalo sa pintura, pamahid sa panghilis ng instrumentong may bag-ting tulad ng biyolin, at sa paggawâ ng barnis.

rós·kas

png |Mek |[ Esp roscas ]
:
paikot na ngipin sa katawan ng tornílyo, piyérno, tuwérka, túbo, o anumang bagay para mapaikot o mahigpitan ito : THREAD2 — pnd i·rós·kas, mag· rós·kas, ros·ka·sán.

ros·kíl·yo

png |[ Esp rosquillo ]
:
uri ng tinapay na malutong.

rostrillo (ros·tríl·yo)

png |[ Esp ]
:
parihabâng palamuti ; sumasagisag sa liwanag, inilalagay sa mukha ng imahen ni Birheng Maria.

rós·tro

png |[ Esp ]
:
mukha ng imahen na inukit sa garing.

rós·trum

png |[ Ing ]
1:
anumang plataporma, entablado, o katulad para sa pananalitang pampubliko
3:
tíla tukang nakaungos na bahagi ng prowa, karaniwan ng barkong pandigma na ginagamit na pambútas sa kalabang barko
4:
Zoo Bot tuka o bahaging kahawig ng tukâ ; matigas na sungot.