roseta


ro·sé·ta

png |[ Esp ]
1:
anumang kaayusan, bahagi, bagay o pormasyon na kahawig ng rosas : ROSETTE
2:
hugis rosas na ayos ng laso o katulad na materyales, karaniwang ginagamit na palamuti o badge : ROSETTE
3:
Ark inukit o hinubog na palamuti na kahawig ng rosas : ROSETTE
4:
Bot hugis bulaklak ng rosas na ayos o tubò ng mga dahon : ROSETTE
5:
sapád na ulo ng tornilyo o pakò : ROSETTE
6:
Bot sakít ng haláman na nagdudulot ng pagsisiksikan ng mga dahon sa pabilog na pumpon dahil sa pag-ikli ng mga bahaging nása pagitan ng mga sanga, dulot karaniwan ng funggus, virus, o kakulangan sa sustansiya : ROSETTE
7:
Zoo isa sa mga batík ng leopardo : ROSETTE