salab


sá·lab

png
2:
Bot tuyông dahon ng niyog : ALÁSAN

sa·la·bát

png |[ Bik Ilk Kap Seb War ]
:
inuming mula sa pinaglagaan ng luya : PANGGASÌ

sa·lá·bat

png
1:
[Kap Pan ST] sabád1
2:
pagtawid o pagdaan sa isang daanang hindi gaanong ginagamit upang makarating nang mas mabilis sa pupuntahan
3:
pagpigil ng isang tao sa daan
4:
benda na ipinupulupot sa braso o sa balikat.

sa·lá·bay

png
1:
patay na tubig
2:
pagkukrus ng mga kamay kapag umiinom
3:
Zoo lamándagat sa class Scyphozoa na higit na malakí kaysa dikya at nakapagdudulot ng tíla kinoryenteng kirot sa matamaan ng galamay Cf JELLYFISH

sa·la·bíd

png |pag·ka·sa·la·bíd
:
pagsabit, pagkapulupot, o pagkapátid ng paa, gaya sa lubid o alambre : KULYÁ

sa·lab·sáb

png
:
pagpapausok sa karne o isda bago ihawin.

sa·lab·sá·ban

pnr
:
masamâ ang pagkakaluto, bahagyang hilaw.