sampa
sam·pa·gí·ta
png |Bot
:
uri ng hasmin (Jasminum sambac ) na maliit ang bulaklak kaysa kampupot, Pambansang Bulaklak ng Filipinas : ARABIAN JASMINE
sam·pa·gí·tang-gú·bat
png |Bot |[ sampagita+ng-gubat ]
:
uri ng hasmin (Jasmin bifarium ) na tumataas nang 2 m, may dahong biluhabâ at putîng bulaklak, isa sa sampung katutubòng species ng Jasminum sa Filipinas.
sam·pa·gí·tang-sung·sóng
png |Bot |[ sampagita+ng-sungsong ]
:
uri ng hasmin (Jasmin multiflorum ) na may mabangong bulaklak.
sam·pák
png |[ ST ]
1:
pagbubukás maigi sa layag ng sasakyang-dagat upang makakuha ng higit na hangin
2:
pagpapasok o pagtutusok ng espada o punyal hanggang sa dulo
3:
Bot
isang uri ng punongkahoy.
sam·pák
pnr |[ Hil Seb Tag ]
:
sagad na pagpasok o paglubog.
sám·pal
png
:
paghati sa tao mulang ulo hanggang paa sa pamamagitan ng espada.
sam·pa·la·tá·ya
pnr
:
may pananampalataya.
sam·pá·lok
png |Bot |[ Bik Hil Kap Seb Tag War ]
:
malaking punongkahoy (Tamarindus indica ) na may maliliit na dahong nakahilera sa magkabilâng gilid ng tangkay, may bulaklak na mapusyaw na dilaw at mga guhit na pink, at may bunga na biluhabâ, makapal ang balát, at may lamáng nakabálot sa butó na maasim ngunit kinakain, nakakain din ang bulaklak at ang dahon kapag murà, katutubo sa tropikong Africa at maaaring ipinasok sa Filipinas noon pang panahon bago dumating ang mga Español : ÁSAM,
SALAMÁGI,
SALMÁGI,
SALOMÁGI,
SÁMBAG,
SÁMBAK,
SAMBALÁGI,
TÁMARÍND,
TAMARÍNDO
sam·pa·ná·wan
png |[ ST ]
:
pangkat ng mga tao, gaya sa tropa ng sundalo o barkada.
sam·páng
png |[ ST ]
1:
isang uri ng goma o pampakintab ng sapatos
2:
Bot
isang uri ng punongkahoy.
sam·pá·ngan
png |[ ST ]
:
masasayáng salita sa isang awitin.
sam·pát
pnr |[ Bik ]
:
magkatulad ; magkamukha.
sam·páy
png |[ Pan ST ]
sam·pá·yan
png |[ Tag sampay+an ]
:
alambre o lubid na ginagamit sa pagpapatuyô ng basâng damit at katulad : BALAYBÁYAN,
KUTÁY,
SALÁD-AY