sari
sá·ri
png
1:
[ST]
pagbigkas ng mga salitâng nakasasakít
2:
[Hin]
mahabàng cotton o sutla na tradisyonal na kasuotan ng mga babaeng Hindu.
sa·rí·kaw
png |[ Ilk ]
:
paha ng hinábing yantok o kawayan na inilalagay sa loob ng sombrero upang lumápat sa ulo.
sa·rí·li
png |[ Kap Tag ]
1:
tao o bagay na itinuturing na may natatanging indibidwalidad : BÁGI,
BARÁN2,
KALUGARÍNGON,
KAUGALÍNGON,
SADÍRI,
SELF,
SIRÎ
2:
ang katangian o ugali ng isang tao : BÁGI,
BARÁN2,
KALUGARÍNGON,
KAUGALÍNGON,
SADÍRI,
SELF,
SIRÎ
3:
personal na interes : BÁGI,
BARÁN2,
KALUGARÍNGON,
KAUGALÍNGON,
SADÍRI,
SELF,
SIRÎ
4:
Sik
ang ego na nagdurusa, nakaaalala, naglulunggati, at iba pa, kayâ “nawala sa sarili ” ang táo kapag hindi nakontrol ang damdamin : BÁGI,
BARÁN2,
KALUGARÍNGON,
KAUGALÍNGON,
SADÍRI,
SELF,
SIRÎ
5:
[ST]
pagpapamána ng ama sa anak
6:
[ST]
pagkakaroon ng pag-aari, kayâ “walang sarili ” ang mahirap.
sá·ri·lí·nin
pnd |[ sarili+nin ]
:
iukol sa sarili lámang.
sa·rim·ba·láy
png |[ Tbw ]
:
upuang yari sa kawayan.
sa·rí·nok
pnd |mag·sa·rí·nok, sa·ri·nú·kin, su·ma·rí·nok |[ Ilk ]
:
makisalamuha sa madla o sumáma sa isang pangkat.
sa·rí·pot
png |Psd |[ Ilk ]
:
lambat na panghúli ng maliliit na isda.
sa·rì-sa·rì
pnr |[ Bik Hil Ilk Kap Seb ST War ]
:
may katangiang sarì ang uri o kalikasan : BALÁ-BALÁKI,
DIBÉRSO,
DIVERSE,
IBÁ-IBÁ,
IBA’T IBA,
LÁIN-LÁIN,
NADÚMA-DÚMA,
SÁMOT-SÁMOT,
SÁMOT SARÌ,
SUNDRY,
SURTÍDO
sa·ri·wà
pnr
1:
2:
kadáratíng pa lámang : FRESH1
3:
hindi maalat, kung sa tubig : FRESH1
4:
hindi panis, kung sa pagkain : FRESH1
5:
hindi ginamitan ng anumang paraan ng pagbuburo, pagtatapa, pagbibilad, o iba pang pampatagal sa gulay, karne, prutas, o isda : FRESH1
6:
hindi pagód : FRESH1
7:
muling tumubò, kung halaman o muling sumakít, kung sugat na inaalagaan
8:
manatiling mukhang batà, o hindi apektado ng nagdaang panahon.