self
self-addressed (self-ád·rest)
pnr |[ Ing ]
:
nagtataglay sa sobre ng address ng nagpadalá.
self-analysis (self-a·nál·i·sís)
png |Sik |[ Ing ]
:
pagsusuri ng sarili, lalo na ng saloobin, pagkatao, nasà, layunin, at katulad.
self-assertion (self-a·sér·syon)
png |[ Ing ]
:
masugid na pagtataguyod ng sarili, ng sariling pananaw, at iba pa.
self-assurance (self-a·syú·rans)
png |[ Ing ]
:
tiwala o kumpiyansa sa sarili, o sariling pananaw.
self-centered (self-sén·terd)
pnr |[ Ing ]
:
nakatuon ang pansin sa sariling pagkatao at gawain Cf MAKASARILÍ
self-closing (self -klów·sing)
pnr |[ Ing ]
:
awtomatikong sumasará.
self-confidence (self-kón·fi·déns)
png |[ Ing ]
:
tiwala sa sarili.
self-conscious (self-kón·syus)
pnr |[ Ing ]
1:
labis na kamalayan sa sarili bílang tampulan ng pansin
2:
Sik
málay sa sarili.
self-control (self-kon·tról)
png |[ Ing ]
:
kakayahang pigilin ang panlabas na pagtugon, saloobin, at iba pa.
self-defense (self-di·féns)
png |[ Ing ]
:
ang pagtatanggol sa sarili o sa sariling interes, lalo na sa pamamagitan ng pisikal na lakas ; sa ilang pagkakataon pinahihintulutan ito bílang tugon sa hablang marahas na krimen.
self-denial (self-di·ná·yal)
png |[ Ing ]
:
pagwawaksi sa nasà o pangangailangan ng sarili, lalo na at laán sa kabutihan ng kapuwa.
self-destruct (self-dis·trákt)
pnd |[ Ing ]
:
mawasak nang kusa, lalo na ang mga bomba o instrumento na sinadyang magkagayon.
self-determination (self-di·tér·mi·néy·syon)
png |Pol |[ Ing ]
1:
karapatan ng bansa na itakda ang sariling pamahalaan, o kabuhayan
2:
kakayahang kumilos nang malaya.
self-discipline (self-dí·si·plín)
png |[ Ing ]
:
kilos o kakayahan na masawata o mapígil ang sarili.
self-employed (self-em·plóyd)
pnr |[ Ing ]
1:
nagtatrabaho para sa sarili
2:
nagmamay-ari ng sariling negosyo.
self-explanatory (self-iks·pla·na·tó·ri)
pnr |[ Ing ]
:
madalîng maunawaan ; hindi nangangailangan ng paliwanag.
self-help
png |Pol |[ Ing ]
1:
teorya na nagpapahayag na dapat itaguyod ng indibidwal ang sarili at paunlarin ang lipunan
2:
kakayahang pangalagaan o paunlarin ang sariling búhay.
selfi (sél·fi)
png |[ Ing ]
:
retrato ng sarili na kinunan gamit ang smartphone o anumang kamerang dihital at ipinaskil sa social media — pnd mag-sél·fi,
su·mél·fi
self-imposed (self-im·pówst)
pnr |[ Ing ]
:
iniatang sa sarili.
self-interest (self-ín·te·rést)
png |[ Ing ]
:
sariling nais o kapakanan.
self-made (self-meyd)
pnr |[ Ing ]
:
nagtagumpáy o yumaman dahil sa sariling pagsisikap.
self-perpetuating (self-per·pét·yu·wéy·ting)
pnr |[ Ing ]
:
patúloy na napaiiral o napararami ang sarili nang walang panghihimasok mula sa labas.
self-pollination (self-pó·li·néy·syon)
png |Bot |[ Ing ]
:
polinisasyon ng bulaklak mula sa pollen ng haláman ding iyon.
self-portrait (self-pór·trit)
png |Sin |[ Ing ]
:
larawan o paglalarawan ng isang pintor o manunulat sa kaniyang sarili.
self-preservation (self-préz·er·véy·syon)
png |[ Ing ]
1:
pangangalaga o pagsanggaláng sa sariling búhay, kaligtasan, at iba pa
2:
batayang kalikasan ng tao o hayop na itaguyod ito.
self-respect (self-ris·pékt)
png |[ Ing ]
:
paggálang sa sarili ; pakiramdam ng pagkakaroon ng dangal.
self-righteous (self-ray·tsús)
pnr |[ Ing ]
:
labis na maláy o mapaggiit sa sariling kabutihan ng ásal, o kabaitan.
self-sacrifice (self-sák·ri·fáys)
png |[ Ing ]
:
pagwawaksi ng sariling interes o nasà para sa kapakanan ng kapuwa.
self-service (self-ser·vís)
pnr |[ Ing ]
1:
sa kantina o restoran, kani-kaniyang pagsisilbi
2:
sa mga mákináng pambenta, nagdudulot ng produkto pagkaraang mahulugan ng salapi.
self-supporting (self-su·pórt·ing)
pnr |[ Ing ]
1:
káyang buháyin ang sarili
2:
hindi umaása sa iba.