sell
sell (sel)
pnd |[ Ing ]
1:
magbilí o ipagbilí
2:
mag-imbak ng produkto upang maipagbili.
sel·lá
png |Bot |[ Ilk ]
:
bigas na malambot ang butil.
sel·lág
png |[ Ilk ]
:
liwanag ng buwan.
sel·lém
png |Psd |[ Ilk ]
:
lambat na panghúli ng maliliit na isda at crustacean.
seller (sé·ler)
png |Kom |[ Ing ]
:
tao na nagtitinda o nagbebenta.
seller’s market (sé·lers már·ket)
png |Kom |[ Ing ]
:
kalagayang pangnegosyo sa panahong bihira at mahál ang mga produkto.
selling point (sé·ling poynt)
png |Kom |[ Ing ]
:
mainam na katangian na panghikayat sa kliyente.
sell-out (sel-awt)
png |Kom |[ Ing ]
:
tagumpay na negosyo, lalo na ang nahihinggil sa mga pagtatanghal.