social
social climber (só·syal kláy·mer)
png |Alp |[ Ing ]
:
tao na nagpupumilit o nag-hahangad na mapabílang sa higit na mataas na katayuang panlipunan.
social conscience (só·syal kón·syens)
png |[ Ing ]
:
pag-iisip o pagtingin na may responsabilidad ang tao sa mga suliranin at kawalan ng katarungan sa lipunan.
social contract (só·syal kón·trakt)
png |Pol |[ Ing ]
:
teoretikong batayan sa de-mokratikong estado, na may kasun-duan ang mamamayan at ang pama-halaan upang magtulungan para sa panlipunang benepisyo.
socialist realism (só·syal·líst re·ya·lí·sim)
png |[ Ing ]
:
estilong pansining at pampolitika na aprobado ng estado sa mga bansang sosyalista, gaya ng dáting USSR o China, nagpapahayag, sumasalamin, at nagtataguyod ng mga mithiin ng isang lipunang sosya-lista, at karaniwang nagdiriwang sa minimithing búhay at kasipagan ng mga manggagawà : REALISMONG SOSYA-LÍSTA
social media (só·syal míd·ya)
png |[ Ing ]
:
mga website at aplikasyon na nagbibigay ng pagkakataon sa mga gumagamit para lumikha o magbahagi ng nilalaman, o lumahok sa social networking.
social network (só·syal nét·work)
png |[ Ing ]
:
isang website o aplikasyon na nagbibigay ng pagkakataon sa mga gumagamit upang mag-ugnayan sa pamamagitan ng pagpapadalá at pagpapalitan ng impormasyon, mensahe, komento, imahen, atbp.
social order (só·syal ór·der)
png |Pol |[ Ing ]
:
kaayusang panlipunan.
social realism (só·syal re·ya·lí·sim)
png |Lit Sin |[ Ing ]
:
uri ng realismo na taha-sang pumupuna sa umiiral sa kaayu-sang panlipunan, pampolitika, at pangkabuhayan, hábang isinusulong o ipinagdiriwang ang karapatan ng mga manggagawà at ibang nása ma-babàng uri ng lipunan.
social science (só·syal sá·yans)
png |[ Ing ]
:
agham panlipunan.
social secretary (só·syal sek·re·tá·ri)
png |[ Ing ]
:
tao na nagsasaayos ng mga panlipunang gawain ng isang tao o organisasyon.
social work (só·syal work)
png |[ Ing ]
:
organisadong gawain para sa pag-papabuti ng kalagayang panlipunan, gaya ng pagbibigay ng benepisyo sa mga nangangailangan.
social worker (só·syal wór·ker)
png |[ Ing ]
:
tao na may kasanayáng propes-yonal sa pagsasagawâ ng social work.
social (só·syal)