taliba
ta·li·bà
png |Mil
1:
ang harapán o nangungunang bahagi ng isang hukbo sa isang pagsulong : VANGUARD,
VANGUARDIA
2:
nangungunang posisyon sa isang kilusan ; ang nangunguna sa kilusan : VANGUARD,
VANGUARDIA
ta·lí·ba
png |[ ST ]
1:
pagbabantay ng mga pain sa likod ng lambat
2:
Zoo
uri ng isdang-alat.
ta·li·bá·tab
png
1:
pagbasâ ng laway sa bibig at labì sa pamamagitan ng dila ; pagdila sa labì para mabasâ
2:
Zoo
[Kap]
uri ng paniki.
ta·lí·ba·tád
png |Zoo |[ Pan ]
:
uri ng higanteng páge (Mobula mobular ) na lumalaki sa habà na 5.2 m at itinuturing na nanganganib na espesye.