pahilis


pa·hi·lís

png |Gra |[ tuldík pa+hilis ]
:
tuldik pahilis.

pa·hi·lís

pnr |[ pa+hilis ]
1:
nása pagitan ng patindig at pahigâ o may anggulong kulang sa 90°, gaya ng ayos ng hagdan : ACUTE1, HIWÁS1, HIRÍS, HIWÍS, OBLIK1, TALIBÁS
2:
kung sa paghiwa o pagputol, nakahilig sa isang panig, gaya ng hiwà ng kalamay
3:
kung sa pagkilos pasulong, nakalihis o hindi tuwirang patúngo sa kasalubong o kaharap, gaya sa pahilis na tingin ng nahihiya Cf DIYAGONAL