talik
tá·lik
png |[ Kap Tag ]
1:
pagiging malapit sa isa’t isa ; malapít na magkakilála : HÍRUP,
KADILÍAN,
MADALÍKOT,
SIMPUNGÁLAN,
SUÓK — pnr ma·tá·lik
2:
hibas para sa karát.
ta·li·ka·kás
png
:
labis na pagpupunyagi o pagsisikap.
tá·lik-bí·be
png |Say |[ Agt ]
:
sayaw na ginagaya ang pagtatalik ng mga bibe.
tá·lik-lá·ngaw
png |Say |[ Agt ]
:
sayaw ng mga Ita sa Pinatubo na ginagaya ang pagtatalik ng mga langaw.
ta·lí·kod
png
1:
pagpapalit ng posisyon o direksiyon na ang likod ng katawan ang nása harap ; pagharap sa iba o kabilâng direksiyon o panig
2:
kilos o pasiya kaugnay ng pagtanggi, pagtakwil o hindi pagkilála — pnd i·ta·lí·kod,
ta·li·kú·ran,
tu· ma·lí·kod.
ta·lí·kol
png
:
upúan sa bangka.
tá·lik-pa·te·rék·te·rék
png |Say |[ Agt ]
:
sayaw na ginagaya ang galaw ng maliliit na ibon.
ta·lik·tík
png |[ ST ]
1:
pansamantalang bakod
2:
pagdadagdag sa isang sisidlan
3:
paglalagay ng tanda sa hanggáhan.
ta·lik·tít
png |[ ST ]
:
malakas na tinig.
ta·li·ku·rán
png |Bot |[ ST ]
:
isang uri ng halaman.