tanghali


tang·ha·lì

png
1:
kalagitnaan ng maghapon o ang panahon sa isang araw sa pagitan ng umaga at hapon : ÁLDAW, MATÓON, MÉDYODÍYA, NOON, ÓDTO, PALÍS4, ÚDTO, ÚDTU, ÚGTO
2:
kalagitnaan ng búhay, paglalakbay, usapan, at anumang kalagayang sinukat sa pamamagitan ng panahon.

tang·ha·lí·an

png |[ tanghalì+an ]
:
pagkaing inihahanda at kinakain sa tanghalì : LUNCH, LUNCHEON1, PAMÁHAW2, PANANGHALÍAN

tang·há·ling-ta·pát

png |[ tanghal+na tapát ]
:
yugto sa maghapon na ang araw ay nása tuktok ng ulo : HIGH NOON, KATANGHALÍANG-TAPÁT, NOONDAY