palis
pa·lís
pnd |mag·pa·lís, pa·li·sán, pa·li·sín |[ Kap Tag ]
:
alisin o alisan.
pa·lís
pnr
:
pantay na ang ibabaw.
pá·lis
png |Bot
1:
palumpong (Callicarpa formosana ) na may makintab at balahibuhing dahon, lilang bulaklak, at bilóg at malamáng bunga
2:
Bot
malbas
3:
[Bik]
sálin1
pa·li·sâ
pnr |[ pa+lisâ ]
:
masusing paraan ng paghahanap.
palisade (pá·li·séyd)
png |[ Ing ]
1:
bakod na gawâ sa bakal
2:
Heo
linya sa matatarik na bangin.
pa·li·sán
png |Zoo
:
babaeng kalabaw na nása hustong gulang.
pa·lí·san
png
1:
Bot
punongkahoy (Gyrinopsis cumingiana ) na kulay abuhin ang balakbak ng punò, biluhabâ ang dahon, dilaw ang bulaklak, at magkahalong pulá at kahel ang bunga
2:
Zoo
[Bik]
pageng-bulik.
pa·lí·say
png |[ ST ]
:
uri ng armas na kahawig ng kalasag at ginagamit sa pagsasayaw na tíla nakikidigma o nakikipaglaban.
pa·lís-pa·li·sín
png |Bot |[ ST ]
:
uri ng ilahas na punòngkahoy.