taro
ta·ró
png |[ ST ]
:
paghupa ng hangin.
ta·rók
pnd |ma·ta·rók, ta·ru·kín
:
maláman o maintindihan, matapos pag-aralan.
ta·ro·ka·ngá
png |Bot |[ ST ]
:
isang uri ng maliit na punongkahoy.
tá·rol
png |[ ST ]
:
pagsukat ng lalim ng sisidlan sa pamamagitan ng isang patpat.
ta·rós
pnr |[ ST ]
1:
kontrolado at may direksiyon
2:
may pagsaalang-alang sa mga restriksiyon o alituntunin
3:
maingat sa pananalita
4:
may pakinabang o pakikinabangan Cf WALÁNG-TARÓS
tá·ros
png
1:
Med
sa pagtistis, ang pagpapasok ng gásang na may ga-mot sa malalim na sugat upang lumabas at maubos ang nanà
2:
pansukat sa lalim ng dagat at ilog, o sa lamán ng tangke ng gasolina.
tá·rot
png |[ Ing ]
:
anumang set ng 22 baraha na may mga larawang alegoriko at ginagamit sa panghuhula o bílang trump card.
ta·ró·ta·ró
png |[ ST ]
:
tawag sa mga katalona sa kanilang pagdadalamhati.
ta·ró·ta·rô
png |[ Mrw ]
:
múra o pagmumura.