tayom


tá·yom

png
1:
Bot palumpong (Indigofera hirsuta ) na masanga at tumataas nang 1 m, nababalot sa makapal na balahibo ang mamulá-muláng kayumangging tangkay, biluhaba ang dahon, mamulá-muláng lila ang tíla gisantes na bulaklak, may bungang tíla sampalok ang hugis na nababálot ng kayumangging balahibo at nakukuhanan ng tinà : INDIGO1, TÁGUM, TÁYUN, WÁLO3 Cf NILÀ
2:
Zoo [Seb War] salúngo.

tá·yom-ta·yú·man

png |Bot |[ ST ]
:
uri ng yerba na gamit sa pangkulay na itim.