nila


ni·lá

pnh |[ Hil Seb Tag ]
:
panghalip panaong maramihan, ikatlong panauhan, nása kaukulang paari, sumusunod sa pangngalan, at kumakatawan sa ngalan ng mga táong pinag-uusapan na siláng nag-aari, kinauukulan ng bagay, gawain, pangyayaring binabanggit : DA, NÍNDA, NÍRA

ni·là

png |Bot |[ Kap Tag War ]
:
punongkahoy (Scyphiphora hydrophyllacea ) na may malapad at makintab na dahon at mapagkukunan ng bughaw na tinà : ANYÍL, NÍLAD, TINÀ-TINÀAN

ní·lad

png |Bot

ni·lag·sák

pnr |[ ST ]
:
labis ang pagkakaluto.

ni·la·la·mán

png |[ ni+la+laman ]
1:
anumang bagay na nakapaloob sa isang bagay : CONTENT, LAMÁN3
2:
sa aklat at katulad, ang listahan ng mga kabanata o akda na nakapaloob dito : CONTENT

ni·la·láng

png |[ ni+laláng ]
:
likhâ2 o ni-likhâ.

ni·la·lá·ngaw

pnr |[ ni+la+lángaw ]
:
kalakal, establisimyento, pagtatanghal, o pamilihang walang pumapansin at bumibili.

ni·la·més

pnr |[ Pan ]

ní·lar

png |Bot |[ ST ]
:
punongkahoy na tumutubò sa tabing-dagat.

ní·lay

png |pag·ni·ní·lay |[ ST ]
1:
pag-iisip nang malalim na may kalakip na pagsusuring espiritwal : MEDITASYÓN, MEDITATION, TÁKITÁKI1 — pnd mag·ni·lay, ni·la·yin