time
time (taym)
png |[ Ing ]
:
óras .
time bomb (táym bam)
png |[ Ing ]
1:
bomba na sumasabog ayon sa itinakdang oras
2:
anumang sitwasyon o kondisyong may ganitong mekanismo.
timecard (táym·kard)
png |[ Ing ]
:
kard na ginagamit sa pagtatalâ ng oras ng pagdatíng at pag-alis ng isang empleado mula sa opisina.
time deposit (táym de·pó·sit)
png |[ Ing ]
:
deposito na maaaring makuha pagkaraan ng panahong napagkasunduan o alinsunod lámang sa pabatid ng bángko.
timekeeper (taym·kí·per)
png |[ Ing ]
:
tagatalâ ng oras, lalo na sa empleo o isports.
timeless (táym·les)
pnr |[ Ing ]
1:
walang simula at wakas
2:
walang pagtukoy sa isang tiyak na panahon.
time limit (taym lí·mit)
png |[ Ing ]
:
panahong itinakda na inaasahang matapos ang isang gawain.
timely (táym·li)
pnr |[ Ing ]
:
napapanahon ; nása tamang oras.
time-out (táym awt)
png |[ Ing ]
1:
panandaliang pagtigil sa gawain
2:
Isp panandaliang paggambala sa regular na oras ng paglalaro para makapagpahinga o makapag-usap ang mga manlalaro Cf TÓPO
timepiece (táym·pis)
png |[ Ing ]
:
aparato sa pag-alam at pagtatalâ ng oras.
timer (táy·mer)
png |[ Ing ]
1:
tao o bagay na nagsasabi o nagtatalâ ng oras
2:
mekanismong awtomatiko sa pagpapagana ng isang aparato o kasangkapan na itinakdang gumana sa isang tiyak na oras
3:
aparato sa pag-alam ng oras na lumampas sa itinakdang panahon.
timetable (taym·téy·bol)
png |[ Ing ]
1:
talahanayan ng iskedyul na nagpapakíta ng mga oras ng pagdatíng at pag-alis ng mga tren, eroplano, at iba pa
2:
anumang iskedyul o plano na nagtatakda ng mga gawain o pangyayari.
time zone (táym zown)
png |Heg |[ Ing ]
:
isa sa dalawampu’t apat na rehiyon o dibisyon ng globo, halos sumasa-bay sa mga meridyan sa sunod-sunod na mga oras mula sa obserbatoryo ng Greenwich, England.