tipa


ti·pá

png
1:
[ST] pagsukat sa pama-magitan ng nakaunat na palad at daliri : DAMÁK2, TUPÂ
2:
pagtugtog ng instrumentong may teklado, gaya ng piyano, o paggamit ng katulad na kasangkapan, gaya ng makinilya : TUPÂ

ti·pag·sáw

png |[ War ]

ti·pák

png |[ Bik Kap Seb Tag War ]
:
malakíng piraso ng solidong bagay na natapyas mula sa isang higit na malakíng bagay ; bahaging nahiwalay o natanggal : BISÍL, GÍPAK, SIPÁK, TIPÍK1, TOKÉL

ti·pák

pnr |[ Kap Tag ]
1:
na·ti·pák tinanggal ang isang malaking bahagi, gaya ng natipak na adobe
2:
Kol na·ka·ti·pák, tu·mi·pák nagkaroon ng malaking suwerte.

ti·pa·ká

png |Zoo |[ War ]

ti·pak·lóng

png |Zoo
:
uri ng kulisap (order Orthoptera ) na may dalawang pares ng malamad na pakpak at malakas na likurang paa para sa pagtalon : ALASIWSÍW, APÁN-APÁN2, DURÓN, GRASSHOPPER, KAMBÓAW, LIPAKTÚNG, TIBÁKLA Cf BÁLANG

ti·pán

png
1:
kasunduang makipag-tagpo sa isang tiyak na panahon at pook : DATE2
2:
takdang-araw na napagkasunduan sa pagbabayad ng utang
3:
kasunduang magpakasal

ti·pá·nan

png |[ tipán+an ]
:
petsa, oras o pook ng kasunduang magtagpo.

tí·pa·nú

png |Mus |[ Kuy Tbw ]
:
plawta na yarì sa kawayan, may anim na butas, at tinutugtog nang pahalang o plawtang yarì sa buho at hinihipan sa gilid.

ti·pá·rak

png |[ Hil ]
:
maikling sibát.

ti·pás

pnr

tí·pas

png
1:
[Kap Hil Seb Pan Tag] pag-iwas na makasalubong ang sinuman
2:
pagputol nang bigla at minsan lámang.

ti·páy

png |Zoo |[ War ]
1:
alinman sa bivalve mollusk sa genus Argopecten at katulad, na lumalangoy sa pamamagitan ng biglaang pagsasará ng mga talukab nitó : ESKALÓPE, SCALLOP
2:
alinman sa mga hugis abanikong talukab nitó : ESKALÓPE, SCALLOP
3:
lamán ng gayong mollusk : ESKALÓPE, SCALLOP

tí·pay

png |[ Ilk ]
:
baras ng bakal na hindi pa nahuhulma.