tuldik
tul·dík
png |Gra Lgw
1:
tul·dík pa·hi·lís
png |Gra |[ tuldík pa+hilis ]
1:
tuldik (´) sa mga salitâng mabilis at matatagpuan sa hulíng patinig ng salita, hal gandá, tagál
2:
tuldik (´) sa mga salitâng may diing malumay at matatagpuan sa pangalawa sa hulíng patinig, hal gábe, bayábas
3:
tuldík sa mga salitáng may tatlo o mahigit na pantig at nangangailangan ng wastong diin sa unang pantig, hal para maibukod ang bigkas ng kátuwáan sa katuwaán at mánggugúlo sa mangguguló.
tul·dík pa·i·wâ
png |Gra
:
tuldik (`) sa mga salitáng may diing malumi at inilalagay sa ibabaw ng hulíng patinig ng salita, hal lumà, suyò, yumì : PAIWÂ1
tul·dík pa·kup·yâ
png |Gra
:
tuldik (^) na pananda sa salitâng maragsa at matatagpuan sa patinig na nása dulo ng salita hal ngatâ, ngitî, tukô.
tul·dík pa·tul·dók
png |Gra
:
tuldik (¨) na pananda sa tunog na schwa na matatagpuan sa mga katutubong wikang gaya Ilokano, Pangasinan, at Ibaloy.