tuma
tu·mà
pnd |mag·tu·mà, tu·má·in
:
bilutin o hagurin at patigasin ang dulo ng sinulid na ipapasok sa bútas ng karayom.
tu·ma·hí·ba
png |Bot |[ ST ]
:
isang uri ng halaman.
tu·ma·hí·lam
png |Bot |[ ST ]
:
isang uri ng halámang gamot.
tú·mal
png
1:
[ST]
pagpuról ng talím ng kasangkapan
2:
pagiging mabagal, hal tumal ng lakad o tumal ng kain — pnr ma·tú·mal.
tu·ma·la·mâ
pnr |Med |[ ST ]
:
hindi lubusang pagtalab o pagtagos.
tu·ma·la·mák
pnr |Med |[ ST ]
:
lubusang tumalab o tumagos, halimbawa ang lason.
tu·má·li
png |Ark |[ ST ]
:
poste ng dingding, o mga kahoy na nakatayo na pinagkakabitan ng mga pahalang na barakilan.
tu·ma·lím
png |Bot |[ ST ]
:
isang uri ng malaking behuko, mainam na pambalot ng katre o ng silya.
tu·ma·lú·la
png |Bot
:
uri ng mahabà at manipis na yantok.
tu·ma·nà
png
1:
Heo
mataas na lupain
2:
Agr
taníman, karaniwan ng gulay at malapit sa tubigan.
tu·máng
png |[ Bik Tag ]
:
puna o pansin na nakapag-uudyok ng away ng isang nakatataas sa isang higit na mababà ang ranggo o kalagayan.
tú·mang
png |[ Bik ]
:
lában o paglában.
tu·máng·gong
png |Zoo |[ Ted ]
:
mammal na kauri ng aso (genus Vulpes ), may matulis na nguso at malagông buntot : FOX
tu·máng·law
png |[ t+um+anglaw ]
:
inupahan o inimbitahang kasáma na makakapiling ng isang táong nag-iisa.
tu·ma·níg
png |Zoo |[ Ifu ]
:
inahing baboy-damo.
tu·má·nog
png |Mit
:
maliit at parang duwendeng nilaláng.