tumba


tum·bá

png |[ Esp tumbar ]
:
pagbagsak mula sa pagkakatayô — pnd i·tum· bá, ma·tum·bá, tu·mum·bá.

túm·ba

png |[ Esp ]

tum·bá·ga

png |[ Seb ST ]
:
halò ng ginto at tanso ;var tumbagà.

tum·ba·hì

png |[ ST ]
:
pagbabahagi o paghahati nang pantay.

túm·bak-túm·bak

png |Zoo |[ Hil ]

tum·ba·lí

png |[ Ilk ]
:
pingga ng habihán.

tum·ba·lík

pnr |[ Hil Kap Pan Tag ]

tum·ba·lín·tong

png
:
sunod-sunod na paggulong at pagbali-baligtad.

tum·báng pré·so

png |[ túmba+ng+préso ]
:
laro na pinatutumba ang isang basyong láta na nakatayô sa loob ng isang bilóg na guhit sa lupa.

tum·bás

pnr |ka·tum·bás
1:
katapat na halaga, súkat, bisà, at iba pa : EQUAL2, EQUIVALENT1, KAHULÍLIP
2:
may katulad na anyo, posisyon, funsiyon, at iba pa : EQUAL2, EQUIVALENT1, KAHULÍLIP

tum·bá·san

png |Mat |[ tumbás+an ]
:
ekspresyon o proposisyon, karaniwang alhebraiko, na tinitiyak ang pagkakapantay ng dalawang kantidad : EKWASYÓN, EQUATION

túm·ba-túm·ba

png
:
silyang nakahilig ang sandalan at may dalawang paa na malukong para ito maiugoy : KULÚMPIYÓ, MESEDÓRA, TUNGGÂ3, TUNGGÂ- TUNGGÂ