under
under (án·der)
pnr pnb pnt |[ Ing ]
1:
nása ilalim
2:
nása loob ng isang rabaw, at katulad
3:
kung sa ranggo o tungkulin, mababà o nakailalim sa isang opisyal ; o kung sa halaga o presyo, higit na mababà.
underclothes (án·der·klówds)
png |[ Ing ]
:
damit panloob, gaya ng sando, kamison, o bra.
undercurrent (án·der·ká·rent)
png
1:
presyur sa ilalim ng rabaw
2:
damdamin, impluwensiya, at katulad na karaniwang salungat sa isang umiiral na kaayusan.
underdeveloped (án·der·de·vé·lopt)
pnr |[ Ing ]
1:
hindi pa ganap na buo
2:
Pol
sa isang bansa, kalagayang hindi pa ganap na maunlad ang ekonomiya
3:
sa potograpiya, hindi ganap ang pagkabuo o paglabas ng mga imahen.
underdog (án·der·dóg)
png pnr |[ Ing ]
1:
áso o tao na natálo sa labanán
2:
tao o pangkat ng mga tao na inaasahang matatálo sa paligsahan o labanán Cf DEHÁDO
undergraduate (án·der·grád·weyt)
png |[ Ing ]
:
mag-aaral sa kolehiyo o unibersidad na hindi pa nakakuha o nakatapos ng unang kurso.
underground (án·der·gráwnd)
png |[ Ing ]
1:
pook o rehiyon sa ilalim ng lupa
2:
daan sa ilalim ng lupa
3:
lihim na organisasyong tumututol sa umiiral na pamahalaan Cf UG
underworld (án·der·wórld)
png |[ Ing ]
1:
bahagi ng isang lipunan na binubuo ng mga tao na nabubúhay sa paggawâ ng organisadong krimen
2:
Mit
pook sa ilalim ng mundo na pinatutunguhan ng mga patay
3:
rehiyon sa ilalim ng rabaw, gaya ng sa mundo o lawas ng tubigan
4:
ang kabilâng bahagi ng mundo.
underwriter (án·der·ráy·ter)
png |[ Ing ]
1:
tao na lumalagda sa mga polisiya ng seguro o namumuhunan sa seguro bílang negosyo
2:
tao na nangangasiwa sa mga ambag at kasunduan.