warrant
warrant (wá·rant)
png |[ Ing ]
1:
dokumento na nagpapatunay o nagpapahintulot, gaya ng resibo, lisensiya, at katulad
2:
Bat
kasulatang ibinibigay ng isang hukom, at nagpapahintulot sa pulisya na hanapin, arestuhin, halughugin, kunin ang ari-arian, at dalhin ang nagkasála upang hatulan : MANDAMYÉNTO2
warranty (wá·ran·tí)
png |[ Ing ]
1:
aksiyon o halimbawa ng pagpapahintulot o pagpapatunay : GARANTÍYA
2:
Bat
kasunduan na nagbibigay ng katiyakan sa mga bagay na nása isang kontrata, gaya sa pagbibili o pagbebenta : GARANTÍYA
3:
kasulatang ibinibigay ng nagtitinda sa bumili at nangangakong maaaring ayusin o palitan ang binili sa loob ng takdang panahon : GARANTÍYA