water
water buffalo (wá·ter bú·fa·ló)
png |Zoo |[ Ing ]
:
uri ng kalabaw.
water chestnut (wá·ter tyést·nat)
png |Bot |[ Ing ]
:
halámang-tubig (Trapa natans ) na may butóng nakakain.
watercolor (wá·ter·kó·lor)
png |Sin |[ Ing ]
1:
pigment na tubig ang gina-gamit sa pagtunaw sa halip na langis : AKWARÉLA
2:
teknik sa pagpipinta sa pamamagitan ng paggamit nitó : AKWARÉLA
3:
pintura o disenyo ng gawâ dito : AKWARÉLA
wá·ter·frónt
png |[ Ing ]
:
bahagi ng isang bayan na malapit sa ilog, lawa, baybayin, at katulad.
water hole (wá·ter hol)
png |[ Ing ]
1:
lunan sa rabaw ng lupa na may tubig
2:
bukal ng tubig.
water lettuce (wá·ter lé·tis)
png |Bot |[ Ing ]
:
nakalutang na halámang akwatiko (Pistia stratiotes ), may mga dahong tíla bulaklak, at ang mga bulaklak ay maliit, lungtian, at nakatago sa mga dahon.
water lily (wá·ter lí·li)
png |Bot |[ Ing ]
:
halámang-tubig (family Nymphaeaceae ) na may malalakí at sapád na dahon.
water line (wá·ter layn)
png |[ Ing ]
:
guhit na nakapalibot sa gilid ng sa-sakyang pantubig at tinatamaan ng tubig na nagsisilbing pananda sa bigat ng kargamento.
wá·ter·márk
png |[ Ing ]
:
malabòng disenyo sa papel, at nakikíta kapag tinamaan ng liwanag.
water meter (wá·ter mí·ter)
png |[ Ing ]
:
kasangkapang pansukat at panrekord sa tubig na nagamit ng isang bahay, gusali, at katulad.
water mill (wá·ter mil)
png |[ Ing ]
:
malakíng molino na pinaaandar ng gulóng na pinaiikot ng tubig.
wá·ter pó·lo
png |Isp |[ Ing ]
:
pangkatang laro ng mga manlalangoy, na nag-uunahang maibuslo ang bola sa goal ng kalaban.
waterproof (wá·ter·prúf)
png |[ Ing ]
:
anumang tela o materyales na hindi napapasok ng tubig.
waterproof (wá·ter·prúf)
pnr |[ Ing ]
:
hindi tinatagusan ng tubig.
waterproofing (wá·ter·prúf·ing)
png |[ Ing ]
:
proseso o paraan para hindi tagusán ng tubig ang bubong, dingding, o katulad.
water-repellent (wá·ter re·pé·lent)
pnr |[ Ing ]
:
hindi madalîng pasukin ng tubig.
wá·ter-re·sís·tant
pnr |[ Ing ]
:
may kakayahang harangin o hindi sumipsip agad ng tubig.
watershed (wá·ter·syéd)
png |[ Ing ]
:
guhit na naghihiwalay sa pagitan ng tubig na umaagos patungo sa ilog, lawa, dagat, at katulad.
waterspout (wá·ter·ís·pawt)
png |[ Ing ]
1:
bútas o túbong palabasan ng tubig, gaya ng nakakabit sa alulod ng bahay o gusali
2:
3:
paitaas na bugá ng tubig.
water supply (wá·ter sup·láy)
png |[ Ing ]
:
ang probisyon at pag-iimbak ng tubig, o ang halaga ng tubig na inimbak, para sa paggamit ng isang bahay, bayan, at katulad.
watertight (wá·ter·tayt)
pnr |[ Ing ]
1:
mahigpit ang pagkakasará upang hindi mapasok ng tubig
2:
sa argumento o pagtatálo, hindi mapasusubalian.
water-torture (wá·ter tór·tyur)
png |[ Ing ]
:
anyo ng pagpapahirap o pagpaparusa sa pamamagitan ng tubig.
water-wheel (wá·ter-wíl)
png |[ Ing ]
:
gulóng na pinaiikot ng tubig upang lumikha ng enerhiya.
wá·ter·wórks
png |[ Ing ]
:
ang sistema ng pamamahala sa suplay ng tubig.