world
world-class (wórld klas)
pnr |[ Ing ]
:
may kalidad o nakapasá sa pamantayang kinikilála sa buong mundo.
World Health Organization (world helt or·ga·ni·zéy·syon)
png |[ Ing ]
:
sangay ng United Nations na itinatag noong 1948 upang mangalaga sa kalusugan at makontrol ang paglaganap ng mga karamdaman sa daigdig Cf WHO
world ór·der
png |[ Ing ]
:
sistema ng pagpapanatili ng kaayusan sa daigdig, lalo na ang pandaigdigang pangkat ng mga kasunduan sa pangangalaga ng kapayapaang pampolitika.