x-ray
X-ray (eks-rey)
png |[ Ing ]
1:
anyo ng radyasyong elektromagnetiko, katulad ng liwanag subalit higit na maikli ang habàng-alon at may kakayahang mapasok ang mga bagay na solid : RAYOS-X
2:
imaheng likha nitó sa isang potograpikong plaka, lalo na sa pagpapakita ng posisyon ng mga butó, at katulad : RAYOS-X
X-ray astronomy (eks-rey as·tró·no·mí)
png |[ Ing ]
:
pagmamasid sa mga bagay na pangkalawakan sa pamamagitan ng mga instrumentong sumusíkat sa malakas na radyasyong elektromagnetiko.
X-ray crystallography (eks-rey krís·ta·ló·gra·fí)
png |[ Ing ]
:
pag-aaral sa mga kristal at sa estruktura nitó sa pamamagitan ng X-ray.