• rayos X (rá•yos é•kis)
    png | [ Esp ]
  • X, x
    png | [ Ing ]
    1:
    ang ikadalawampu’t anim na titik sa alpabetong Filipino at tinatawag na eks sa Ingles at ekis sa Espanyol
    2:
    ikadalawampu’t anim sa pagkakasunod-sunod o serye
    3:
    ikasampu sa pamilang na Romano
    4:
    di-tiyak na bílang ng tao, bagay, at iba pa
    5:
    nakasulat o nakalimbag na representasyon ng titik X o x
    6:
    tipo, gaya ng sa printer, upang magawâ ang titik X o x
  • rá•yos
    png | [ Esp rayo+s ]
    1:
    mga bára o rod na nakaayos nang pasinag mu-la sa gitnang bahagi ng gulóng at tu-mutukod sa rim
    2:
    mga sinag, gaya ng rayos X
  • x (eks)
    png
    1:
    a ang unang di-kilálang kantidad b ang unang coordinate
    2:
    simbolo para sa multiplikasyon o pagpaparami
    3:
    panandang ginagamit sa pagitan ng mga pigura na nagsasaad ng dimensiyon
    4:
    sa pagsusulit, simbolong ginagamit na pananda sa malî
    5:
    sa pelikula, klasipikasyon o simbolo para sa mga manonood na tigulang lámang
    6:
    lagda ng hindi marunong sa dokumentong opisyal
  • bi•ta•mí•na X
    png | BioK | [ Esp vitamina ]
    :
    bitamina P
  • X chromosome (x kró•mo•sóm)
    png | Bio | [ Ing ]
    :
    sex chromosome ng mammal na dalawa ang bílang sa babae at isa sa laláki