x (eks)
- 1:
- a
- ang unang di-kilálang kantidad
- b
- ang unang coordinate
- 2:
- simbolo para sa multiplikasyon o pagpaparami
- 3:
- panandang ginagamit sa pagitan ng mga pigura na nagsasaad ng dimensiyon
- 4:
- sa pagsusulit, simbolong ginagamit na pananda sa malî
- 5:
- sa pelikula, klasipikasyon o simbolo para sa mga manonood na tigulang lámang
- 6:
- lagda ng hindi marunong sa dokumentong opisyal
