ae
Aegean Sea (i·dyí·yan si)
png |Heg |[ Ing ]
:
Dágat Aegean.
aegis (í·dyis)
png |Mit |[ Ing Gri ]
:
kalasag ni Zeus o Athena, na may mukha ng Gorgon sa gitna.
Aeneas (í·ni·ás)
|Lit |[ Ing Lat ]
:
bayaning Trojan, kinikilálang ninuno ng mga Romano at bida sa Aeneid ni Vergil.
Aeneid (éy·nid)
|Lit |[ Ing Lat ]
:
epiko ni Vergil hinggil sa pakikipagsapalaran ng bayaning Trojan na si Aeneas matapos ang pagbagsak ng Trojan.
a·e·rá·do
pnr |[ Esp ]
1:
lantad sa hangin
2:
hinangin, gaya ng likido sa paggawâ ng soda water var erádo
a·e·ras·yón
png |[ Esp aeración ]
:
proseso ng paglalantad sa hangin var erasyón
aerial (ey·rí·el)
png |[ Ing ]
:
antena ng radyo o telebisyon.
aerie (éy·ri)
png |Zoo |[ Ing ]
1:
pugad ng banóg, lawin, at iba pang ibong mandaragit
2:
inakáy ng lawin, agila, at iba pa.
a·e·ró·di·ná·mi·ká
png |[ Esp aerodinámica ]
:
pag-aaral sa kilos ng hangin at mga gas, at sa bisà nitó sa mga solidong bagay : AERODYNAMICS var erodinámiká
aerogram (éy·ro·grám)
png |[ Ing ]
:
sulat na nása isang papel, nakatupi, selyado, at ipinadadalá sa pamamagitan ng eroplano.
a·é·ro·nó·ti·ká
png |[ Esp aeronaútica ]
:
aerophobia (éy·ro·fób·byá)
png |Med |[ Ing ]
:
abnormal na takot sa simoy ng hangin, gas, at anumang bagay na lumilipad o nása hangin.
aerosol (éy·ro·sól)
png |[ Ing ]
1:
Kem
substance na ipinaloob sa sisidlan, karaniwang may propellant gas, at inilalabas sa pamamagitan ng spray
2:
anumang sisidlan ng substance na ito
3:
sistema ng mga colloidal particle na nakakalat sa gas, usok, at iba pa.
aesthete (és·tit)
png |[ Ing ]
:
tao na may maselang pagtingin sa kagandahan ng sining o kalikasan.
aes triplex (es tríp·leks)
png |[ Lat ]
:
isang bagay o anumang bagay na hindi káyang gibain o sirain.
aetátis (ay·tá·tis)
pnb |[ Lat ]
:
ng o sa edad na.
aetatis suae (i·téy·tis sú·i)
pnb |[ Lat ]
:
ukol sa kaniyang edad.