alim
á·lim
png
1:
[ST]
pagsunog o pagpapaitim sa ginto
2:
pagpapatuyô ng katawan matapos maligo o mabasâ
3:
4:
[Seb]
langgás
5:
[Ara]
sublimasyón.
Á·lim
png |Lit
:
epikong-bayan ng mga Ifugaw na nagsasalaysay sa búhay ng kanilang bathala at mga kagila-gilalas na pangyayari.
a·li·mag·mág
png
1:
pinatuyông alamang na pataba sa haláman
3:
kintab o kakintaban ng isang bagay.
a·li·má·ngo
png |Zoo |[ Hil Seb Tag War ]
:
malakíng crustacean (Scylla serrata ), umaabot sa lapad na 20 sm at bigat na 1.5 kg, may talukab na hugis abaniko, makinis ang rabaw, kulay abuhing lungtian o kayumanggi ang katawan, at karaniwang nakatirá sa mapuputik ba bahagi ng medyo maalat na tubig : ALAMÁ2,
AMORÓNGSOD,
ANÍIT3,
CRAB,
ÉMA,
KANGRÉHO,
LUMAYÁGAN,
MALÁKA,
MANGILÁUD,
RASÁ,
SUGÁ-SUGÁ2 Cf ALIMÁSAG,
KATÁNG,
TALANGKÂ
a·li·má·ngong-ba·kú·nog
png |Zoo |[ alimango+ng-bakunog ]
:
alimangong (Charybdis feriata ) may krus sa ibabaw ng talukab, mabalahibo, matingkad ang kulay ng balát, at may lason ang lamán kayâ hindi nakakain.
a·li·má·ngong-ba·tó
png |Zoo |[ alimango+ng-bató ]
:
alimangong may batík-batík na putî.
a·li·má·sag
png |Zoo |[ Kap Pan Tag ]
a·li·mát·mat
pnd |i·a·li·mát·mat, mag-a·li·mát·mat |[ Seb ]
1:
ibalik ang kamalayan
2:
magkaroon ng maagang kabatiran.
a·li·ma·yás
pnr |[ ST ]
:
makintab gaya ng barnis at palarâ.
a·li·may·máy
pnr
:
hindi lubos na marinig.
a·lim·ba·ngá·gan
png |Bot |[ Ilk ]
:
uri ng mais na may batík sa butil.
a·lim·ba·tók
pnr
:
magkaiba dahil hindi magkatulad o hindi magkapantay.
a·lim·ba·wá·ngan
png |Bot |[ Ilk ]
:
uri ng palay.
a·lim·ba·yáw
png
1:
habol ng tingin hanggang mawala sa tanaw ang isang tao na umalis
3:
[ST]
paghahambíng ng sarili sa iba alinsunod sa kayamanan, atbp.
a·lim·bu·káy
png
1:
[ST]
pag-ilandang ng tubig dahil sa pagsagwan
2:
[Seb Tag]
salpok ng alon ; pagtaas at pagbabâ ng alon ng tubig sa gitna ng dagat
3:
[Seb Tag]
pagkaramdam ng hilo o lulà
4:
Med
[Seb Tag]
galaw ng mga membrane sa abdomen
5:
Bot
[Ilk]
halámang baging na kulay abo ang bunga.
a·lim·bu·yó·gen
png |Zoo |[ Ilk ]
:
tandáng na may napakapuláng balahibo.
a·lim·bu·yú·gin
pnr
:
makitid ang pag-iisip.
a·lím·daw
pnd |a·lim·dá·win, i·a·lím·daw, mag-a·lím·daw |[ Hil ]
:
gumawâ nang maramihan o bultúhan.
a·li·mo·lón
png |[ ST ]
:
patpat na makapal ang hawakan at paliit hanggang sa dulo.
alimony (a·lí·mo·ní)
png |Bat |[ Ing ]
:
sustento sa asawa pagkatapos maghiwalay nang legal o magdiborsiyo.
a·li·mo·sór
png |[ ST ]
:
paraan ng pagkayas ng pamalò hanggang sa unti-unting lumiit itong katulad ng kandila.
a·lim·páy
png |Bot
:
palumpong (Croton caudatus ) na may dahong maaaring ipantapal sa namamagâ o sumasakít na bahagi ng katawan.
a·lim·pa·yá·wan
png |Zoo
:
ibong kapamilya ng tordo (Copsychus luzoniensis ) na putî at itim ang balahibo at humahabà nang 180–185 mm, karaniwang kumakain ng kulisap.
a·lim·pu·sò
png |Bot
:
tigas ng kahoy.
a·lim·pu·yó
png |Mtr
:
uliuli ng tubig, hangin, o usok : ALAÚLI,
ALIMPOKÁPOK,
ALIMPULÓS1,
ALINONO,
ARIPURÓS,
PALIPÓD,
PUYÓ2,
REMOLÍNO var alipuyó
a·lim·pú·yok
png |[ ST ]
1:
amoy ng kaning nasusunog.
2:
pagpapasingaw sa kanin kapag ito ay nasusunog.
a·li·mú·os
pnr |[ Seb Tag ]
:
hindi nakikíta.
a·li·mú·ra
png |[ Kap Tag ]
a·li·mu·rá·nin
png |Zoo
:
uri ng malakíng ahas.