alig


á·lig

png |[ ST ]
1:
paglipat ng mga tao, hayop, at bagay túngo sa ligtas na pook
2:
pagtakas o paglisan mula sa isang pook.

á·lig

pnr |[ Pan ]
:
túlad o katúlad.

a·li·ga·gâ

pnr

a·li·gá·ga

png |[ ST ]
1:
tao na batugan o tamád
2:
tao na walang pagsisikap.

a·líg-a·líg

pnd |a·lig-a·li·gín, mag-a·líg-a·líg, u·ma·líg-a·líg |[ Seb ]

a·li·gam·gám

pnd |a·li·gam·ga·mín, mang-a·li·gam·gám, u·ma·li·gam·gám |[ ST ]

a·li·gan·dó

pnr
:
mahilig maglibot at ayaw magtrabaho.

a·li·gá·ngo

png |Bot
:
uri ng punongkahoy (Exostema philippicum ) at nagagamit ang balát ng punò bílang pamalit sa singkona : HÍBAW, KUKUNBANÚ var haligangà

a·li·ga·sì

png |Bot

a·li·ga·sín

png |Zoo
:
maliit na uri ng banak (genus Mugil ); munting isda sa ilog.

a·li·ga·tó

png |[ Seb ]

a·lig·bá·ngon

png |Bot
:
gumagapang na haláman (Floscopa scandens Lour ) na matabâ at tuwid ang tangkay : PÚGAD LABUYÒ

a·li·gí

png |[ Bik Hil Seb Tag War ]
:
tabâ ng alimasag, alimango, at sugpô : BÚGI3, PULÁ1, TÁBANG2, TÁBAY, ULIGÍ1

a·lí·gid

pnd |a·li·gí·ran, mag-a·li·gíd, u·ma·lí·gid
:
umikot o paikutan — pnr a·li·gíd.

a·lig-íg

png |Kom
:
sa sinaunang lipunang Bisaya, pagbili nang tingî — pnd mag-a·lig-íg, u·ma·lig-íg.

a·lig-íg

pnr |[ ST ]
:
takót gumawâ ng isang bagay.

a·lí·gig

pnr |[ ST ]
:
tinging magnanakaw.

a·lí·gir

pnr |[ ST ]
:
ayaw matuklasan kayâ patagô kumilos.

a·líg·nas

png |[ Pan ]

a·li·gód

pnd
:
tumalílis o talilísan.

a·lí·gor

pnd |a·li·gú·rin, u·ma·lí·gor |[ ST ]
:
unti-unting hilahin ang isang bagay o lumayô.

a·li·gut·gót

pnr |[ ST ]
1:
nása isang hindi kasiya-siya at nakalilitong kondisyon
2:
nása isang magulo at mahirap wariing sitwasyon var saligutgót

a·li·gút·got

png |[ Seb ]
1:
Lit pasalaysay o paawit na panalangin sa katapusan ng nobena na nagsusumamong iligtas ang kaluluwa ng tao
2:
[Akl] matinding samâ-ng-loob ; labis na pagdaramdam.

A·li·gú·yon

png |Lit |[ Ifu ]
:
bayani sa Hudhud, epikong-bayan ng mga Ifugaw.

a·lig·wás

png |[ Pan ]
:
unlád o pag-unlad.