alup


á·lup

png |[ Ilk ]
:
estilo o paraan sa paggawâ ng araro.

a·lu·pág

png |Bot
:
matigas na punongkahoy (Euphoria didyma ) na tumataas nang 25 m at karaniwang ginagawâng tabla : ALÚPUNG, APÁLUNG, BÁLIT2, MATOBÁTO

a·lu·pag-a·mô

png |Bot
:
matigas na punongkahoy (Litchi philippinensis ) tulad ng alupag : BULÁLA, DALUPÁGA, KAGSÁKAN, KAMÍNGI, TANINGÌ

a·lú·pan

png |[ Tau ]

a·lu·pá·yi

png |Bot

a·lu·pí

png |[ Hil Seb ]
:
kakaníng gawâ sa ginadgad na balinghoy o muràng mais at galapong, maaaring may gatâ o gatas, at ibinabálot sa dahon ng saging o balát ng mais.

a·lu·pí·han

png
1:
Zoo alinman sa arthropod (class Chilopodo, genus Scolopendra ) na may pahabâ at sapád na katawang nahahati sa bahagi na may tig-iisang pares ng paa : ALAHÍPAN, ALOHÍPAN, BANBÁNON, CENTIPEDE, DIDIPÚAN, GAYÁMAN, GAYAMÁN, LAHÍPAN, LAYÓPAN, LAYPÁN, UHÍPAN, ULAHÍPAN, ULÁN-BÁGA
2:
Bot palumpong (Homolocladium platycladium ) na malapad, makintab, at maliit ang lungting dahon, tíla laso ang dikit-dikit na sanga, at maliliit ang bulaklak, katutubò sa Solomon Islands at inaalagaan sa Filipinas bílang halámang ornamental : CENTIPEDE PLANT

a·lu·pí·hang-dá·gat

png |Zoo |[ alupihan+ng-dagat ]
:
crustasean na may hugis na tíla alupihan, may talukab na kasintigas ng hipon at kinakain ang lamán : ALUPÍHAN3, TATAMPÁL2

a·lú·pis

pnr |[ Pan ]

a·lu·pó

png |[ Bik ]

a·lú·pung

png |Bot |[ Ilk ]

a·lu·pú·op

png |[ Ilk ]
:
singaw mula sa lupa tuwing umaga o matapos umulan Cf ALIMÚOM