dá•gat : malawak na tubig alat na bumabálot sa malakíng bahagi ng rabaw ng mundo at pumapalibot sa kalupaan
Dá•gat I•tím : dagat sa pagitan ng Europa at Asia at nahahanggahan ng Turkey, Romania, Bulgaria, at Unyong Sobyet
Dágat Caspian (dá•gat kás•pi•yán) : lawà na may tubig-alat na nása pagitan ng timog-silangang Europa at Asia
Dagat Adriatico (dá•gat ad•ri•yá•ti•kó) : isang panig ng Dagat Mediteraneo sa pagitan ng Italy at tangway Balkan
Dágat Ionian (dá•gat a•yó•ni•yán) : isang panig ng Dagat Mediteraneo sa timog Italy, silangang Sicily, at Gresya
Dágat Caribbean (dá•gat ká•ri•bí•yan) : bahagi ng Karagatang Atlantiko na nása pagitan ng Antilles at ng Gitnang Timog Amerika