alupihan


a·lu·pí·han

png
1:
Zoo alinman sa arthropod (class Chilopodo, genus Scolopendra ) na may pahabâ at sapád na katawang nahahati sa bahagi na may tig-iisang pares ng paa : ALAHÍPAN, ALOHÍPAN, BANBÁNON, CENTIPEDE, DIDIPÚAN, GAYÁMAN, GAYAMÁN, LAHÍPAN, LAYÓPAN, LAYPÁN, UHÍPAN, ULAHÍPAN, ULÁN-BÁGA
2:
Bot palumpong (Homolocladium platycladium ) na malapad, makintab, at maliit ang lungting dahon, tíla laso ang dikit-dikit na sanga, at maliliit ang bulaklak, katutubò sa Solomon Islands at inaalagaan sa Filipinas bílang halámang ornamental : CENTIPEDE PLANT

a·lu·pí·hang-dá·gat

png |Zoo |[ alupihan+ng-dagat ]
:
crustasean na may hugis na tíla alupihan, may talukab na kasintigas ng hipon at kinakain ang lamán : ALUPÍHAN3, TATAMPÁL2