anak
a·nák
png |[ Hil Ilk Iva Kap Mag Pan Seb Tag War ]
2:
taguri sa isang batà.
a·nák
pnd |a·na·kán, a·na·kín, mag-a·nák
1:
magkaroon ng anák
2:
tumayông ninong o ninang.
á·nak-á·nak
png |[ ST ]
:
mahabàng patpat ng kawayan na ginagamit upang ipanghapit sa nipa, kugon, o sawali ng bahay.
a·nák-hí·lig
png |[ ST anak+hilig ]
:
piraso ng kawayan na inilalagay sa himaymay sa paghahabi.
a·ná·ki
pnb |[ ST ]
:
salitâng nagsasaad ng pagkakatulad ; kapara ng.
A·nak ng pú·ta!
pdd |[ Tag anak ng Esp puta ]
:
A·nak ng tú·pa!
pdd
:
hibas para sa Anak ng puta!
a·na·kón·da
png |Zoo |[ Esp anaconda ]
:
malakíng sawá (Eunectes murinus ) na hindi nangangagat ngunit nanlilingkis, at karaniwang humahabà nang hanggang 6 m.
a·nák-pak·pák
png |[ ST anak+pakpak ]
:
panghampas o anumang ginagamit sa paghampas sa bulak.
a·nak·pá·las
png |[ anak+palas ]
:
sanggol na ipinanganak ng inang menor de-edad.
a·nák·pá·wis
pnr |[ anak+pawis ]
1:
tao na dukha
2:
Pol
tao na kabílang sa mababàng uri ng lipunan, hal magsasaka, manggagawa.
a·nak·pi·pís
png |[ anak+pipis ]
:
hagutáng paikót.
a·na·kró·ni·kó
pnr |[ Esp anacrónico ]
:
hindi kapanahon ; mali sa panahon.
a·na·kro·nís·mo
png |[ Esp anacronismo ]
:
kalagayan na wala sa panahon ; pagiging mali sa panahon.
a·nák-sa-lú·pa
pnr
:
hindi alám kung sino ang magulang.
a·nák tik·tík
png |[ ST anak+tiktik ]
:
biniyak na kawayan na ginagamit upang isaayos ang paghahábi ng tela.
a·na·kú·ra
png |[ ST ]
:
matulaing tawag sa tagapamahala ng maliit na sasakyang-dagat.