bulig


bu·líg

png |Zoo |[ Kap Tag ]
:
dalág (Ophicephalus striatus ) na katamtaman ang laki : ANÁK DALÁG1, BAKOLÍ1, BARÓAN, BUKÁLI, BUKLÍNG1, BURIKÁW, HARÁWAN, PUYÓ3, TÁMOS Cf BUNDALÁG

bú·lig

png
1:
[ST] muling pagbúhay sa lantang haláman
2:
[ST] pagpapalakas ng katawan, lalo na mula sa karamdaman
3:
Bot [Bik Hil Ilk Seb War] buwíg
4:

bu·li·gà

png
1:
2:
kimpal ng lupa na nabuo ng mga bulate.

bu·lí·ga

png |Mit
:
anting-anting, karaniwang gawâ sa di-karaniwang bató at isinusuot nang paikot sa baywang laban sa kaaway at panganib.

bu·li·gáw

pnr
:
madalîng naliligáw, o mahinà sa pagtanda ng direksiyon.

bu·lig·líg

png |[ ST ]
1:
Zoo pamamagâ ng matá ng manok sanhi ng mga butlig
2:
paulit-ulit na pag-uusisa : BULING-LÍNG
3:
malaswang gawain, gaya ng malaswang paghawak sa ari var buliklík Cf BUTINTÍNG