araw


á·raw

png
1:
Asn pinakasentrong bituin ng sistemang solar na iniinugan ng mga planetang tumatanggap ng init at liwanag nitó, may 150 milyong km ang layò mula sa daigdig : ÁDLAW, ADLÁW, ÁGEW, AGGÁW, ALDÁW, ALDÓ, ALÓNGAN, ÍNIT3, SOL4, SUGÁ2, SUN
2:
panahong mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nitó ; kasalungat ng gabí : ÁDLAW, ADLÁW, ÁGEW, AGGÁW, ALDÁW, ALDÓ, ALÓNGAN, DAY1, DAYTIME, DÍA, SUGÁ2 Cf MAGHÁPON, MAGDAMÁG
3:
init nitó — pnr ma·á·raw
4:
panahong binubuo ng 24 oras : ÁDLAW, ADLÁW, ÁGEW, AGGÁW, ALDÁW, ALDÓ, ALÓNGAN, DAY1, SUGÁ2
5:
ang bawat isa sa pitóng bahagi na bumubuo sa isang linggo na may kani-kaniyang pangalan ; Lunes, Martes, Miyerkoles, Huwebes, Biyernes, Sabado, Linggo : ÁDLAW, ADLÁW, ÁGEW, AGGÁW, ALDÁW, ALDÓ, ALÓNGAN, DAY1, DÍA, SUGÁ2
6:
kapanganakan o anibersaryo2
7:
panahon ng pananaig o pamamayanì

a·ra·wán

pnr pnb |[ araw+an ]
:
ginagawâ o nagaganap araw-araw : DAILY, HORNÁLAN

A·ráw a·ráw!

pdd |[ Hil ]
:
tumangging maniwala kahit tunay ang pangyayari.

á·raw-á·raw

pnb
:
sa lahat ng araw : EVERYDAY2

a·rá·way

png |Bot |[ ST ]
:
uri ng punongkahoy.

A·raw ng Ka·gi·tí·ngan

png |[ araw ng ka+giting+an ]
:
pambansang paggunita sa kabayanihan ng mga nakipaglaban sa mga Japanese, itinaon sa araw ng pagsuko ng Corregidor at ginaganap tuwing 9 Abril.

A·raw ng Ka·sa·rín·lan

png |[ araw ng ka+sarili+an ]
:
pambansang pagdiriwang ukol sa pagpapahayag ng kalayaan ng Filipinas, dáting ginaganap tuwing 4 Hulyo, at kasalukuyang ginaganap tuwing 12 Hunyo.

A·raw ng mga Ba·yá·ni

png
:
pambansang paggunita sa mga namatay sa Rebolusyong Filipino at Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ginaganap tuwing hulíng Lunes ng Agosto.

A·raw ng mga Pa·táy

png
:
pambansang paggunita ng mga Kristiyano sa mga yumao at opisyal na ginagawâ tuwing 1 Nobyembre sa pamamagitan ng misa, pagdalaw at pagbabantay sa sementeryo, pagtitirik ng kandila, at pag-aalay ng bulaklak sa mga puntod : ALL SOULS’ DAY2, DÁWUN, TÓDOS LOS SÁNTOS1 Cf ALL SAINTS’ DAY

A·raw ng mga Pú·so

png
1:
araw ng pagdiriwang ng kapistahan ni St. Valentine, ang patron ng mga magkasintahan, na ginaganap tuwing 14 Pebrero
2:
araw ng mga magkasintahan.

A·raw ng Pag·hu·hu·kóm

png |[ araw ng pag+hu+hukom ]
:
sa Bibliya, araw ng hulíng paghuhukom ng Diyos sa sangkatauhan sa pagwawakas ng mundo : JUDGEMENT DAY

A·raw ng Pa·sa·sa·lá·mat

png |[ araw ng pa+sa+salamat ]
:
itinakdang araw para sa pambansang pasasalamat.