ark
ar·ka·bá·la
png |Kas |[ Esp arcabala ]
:
pangmunisipyong buwis mula sa benta sa palengke var alkabala
ar·ka·ba·lé·ro
png |Kas Pol |[ Esp arcabalero ]
:
opisyál ng munisipyo na namamahala ng arkabala var alkabaléro
ar·ka·ís·mo
png |[ Esp arcaismo ]
1:
pagpapanatili o pagkopya ng sinauna o lipas na, lalo na sa wika o sining
2:
anumang sinaunang salita o pahayag.
Ar·ka ni No·é
png |[ Esp arca Noe ]
:
sa Bibliya, ang sasakyang-dagat na ipinagawâ ng Diyos kay Noe upang mailigtas ang isang pares ng bawat hayop at ibon sa panahon ng dilubyo.
ár·kat
png |[ Mrw ]
:
yáman1-3 o kayamánan.
ar·ke·ó·lo·gó
png |[ Esp arqueólogo ]
:
tao na nag-aral ng arkeolohiya.
ar·ke·ó·lo·hi·kó
pnr |[ Esp arqueológico ]
:
hinggil sa arkeolohiya.
ar·ke·ó·lo·hí·ya
png |[ Esp arqueología ]
:
sistematikong pag-aaral ng sinaunang búhay at kultura.
ar·ki·ték·to
png |[ Esp arquitecto ]
:
tao na nagdidisenyo, gumuguhit ng plano, at nangangasiwa sa paggawâ ng mga gusali, barko, tulay, at iba pang estruktura : ARCHITECT
ar·ki·tek·tú·ra
png |Sin |[ Esp arquitectura ]
1:
sining o agham ng pagdidisenyo at pagtatayô ng mga gusali : ARCHITECTURE1
2:
estilo ng gusali ayon sa disenyo at pagkakagawâ : ARCHITECTURE1
3:
kabuuan ng mga gusali at iba pang estruktura : ARCHITECTURE1
ar·ki·trá·be
png |Ark |[ Esp arquitrave ]
1:
pangunahing biga na isinasalalay sa tuktok ng mga kolumna, karaniwang sa ikatlong entablatura : ARCHITRAVE
2:
nakamoldeng hamba sa paligid ng pinto o bintana : ARCHITRAVE
ár·kon
png |[ Ing archon ]
:
isa sa siyam na pangunahing mahistrado sa sinaunang Atenas.