arka


ár·ka

png |[ Esp arca ]
1:
sa Bibliya, Arka ni Noe : ARK
2:
sa Bibliya, kabáng pinaglagyan ng mga kasulatan ng isang sinagoga : ARK, DAÓNG1

ar·ka·bá·la

png |Kas |[ Esp arcabala ]
:
pangmunisipyong buwis mula sa benta sa palengke var alkabala

ar·ka·ba·lé·ro

png |Kas Pol |[ Esp arcabalero ]
:
opisyál ng munisipyo na namamahala ng arkabala var alkabaléro

ar·ka·bús

png |[ Esp harquebus ]
1:
matandang uri ng nabibitbit na baril at may salalayang may tatlong paa : HARQUEBUS Cf ASTINGGÁL
2:
salapáng var alkabús Cf SIBÁT

ar·ká·da

png |[ Esp arcada ]
1:
anu-mang daan na may paarkong bu-bong : ARCADE
2:
Ark hilera ng arko.

ar·ká·i·kó

pnr |[ Esp arcaico ]

ar·ka·ís·mo

png |[ Esp arcaismo ]
1:
pagpapanatili o pagkopya ng sinauna o lipas na, lalo na sa wika o sining
2:
anumang sinaunang salita o pahayag.

ar·kám

pnr
:
lápat o hustó ang súkat : ARKÉD

ar·kang·hél

png |[ Esp arcánghel ]
:
pinunòng anghel : ARCHANGEL

Ar·ka ni No·é

png |[ Esp arca Noe ]
:
sa Bibliya, ang sasakyang-dagat na ipinagawâ ng Diyos kay Noe upang mailigtas ang isang pares ng bawat hayop at ibon sa panahon ng dilubyo.

ár·kat

png |[ Mrw ]
:
yáman1-3 o kayamánan.